Pinuno ng Departamento ng Tubig at Kuryente ng Los Angeles ang mahigit 80 pasilidad ng imbakan ng tubig sa pinakamataas na antas ng mga ito. Ang mga backup na pump ay may fuel at handa sa bawat pumping station bilang backup sa mga pangunahing pump. Napuno na nila ang lima nilang water tender, ang bawat isa ay may hindi bababa sa 4,000 galon, at naka-standby ang mga ito para sa Departamento ng Sunog ng Los Angeles (Los Angeles Fire Department, LAFD) kung kinakailangan. Bilyon-bilyong galon ng tubig na hindi inumin para sa paglaban sa sunog mula sa ere ang laman ng apat na reservoir.
Sa lugar ng Pacific Palisades, nakalaan ang dalawang lokal na reservoir sa paglaban sa sunog mula sa ere: ang Encino Reservoir at ang Lower Stone Canyon Reservoir.
Nakipagtulungan ang Los Angeles County Fire Department sa Los Angeles County Department of Public Works at 7 lokal na kumpanya ng tubig para matasa ang daloy sa sunog mula sa mga kasalukuyang sistema ng tubig sa mga lugar ng sunog. Para makatulong sa proseso ng muling pagtatayo, aamyendahan ng LA County Fire ang 2026 na Fire Code ng County ng Los Angeles para matugunan ang mga kasalukuyang kinakailangan sa Fire Code ng Estado. Mabibigyang-daan ng pag-amyendang ito ang mga tao na muling itayo ang mga bahay nila habang ina-upgrade at pinapahusay ang sistema ng tubig. Patuloy na regular na magtatakda ng tauhan ang LA County Fire at estratehikong maglalagay ng mga trak ng bumbero na pag-aari ng county at paunang nakapwesto sa mga panahong malaki ang panganib ng sunog.
Bilang karagdagan, may bagong naka-streamline na proseso na nabuo na inaalis ang pangangailangan ng mga may-ari ng bahay na makisangkot sa proseso ng form ng daloy sa sunog. Pangangasiwaan ng mga kumpanya ng tubig, LA County Public Works, at LA County Fire ang bagong prosesong ito, na magsi-streamline sa timeline, mag-aalis sa pangangailangan ng mga may-ari ng bahay na kumumpleto sa proseso, at ikatitipid ng pera ng mga may-ari ng bahay.
Natukoy ng mga distrito ng tubig ang mga pinsala at nag-apply ang mga ito para sa pagpopondo (hal., FEMA PA) para muling makapagtayo. Nakatuon ang estado at county sa pagsuporta sa mga distrito na muling itayo at pahusayin ang mga sistema.
Sinasabi ng Pasulong LA County: Plano ng Pagbangon na mga kritikal na pamumuhunan sa imprastruktura ang mga upgrade na ito para sa pangmatagalang kaligtasan.