Pagtatakda ng agenda para sa pagbangon mula sa mga wildfire sa LA: Pagtuklas sa feedback ng komunidad

Tapos na ang yugto ng pagtatakda ng agenda ng engagement sa pagbangon mula sa mga wildfire sa Los Angeles. Sa yugtong ito, ang mga miyembro ng komunidad ay nagbahagi ng libo-libong komento tungkol sa pinakakailangan nila para sa pagbangon at muling pagtatayo. Puwede mong i-download ang mga komento para makita ang sinabi ng mga tao.

I-download ang buong dataset

Pagbibigay-linaw sa kumplikadong bagay

Napakarami ang naging sagot ng mga residente at mayroon silang iba't ibang pananaw. Gumawa kami ng mga data vizualization para mapadali ang kumplikadong bagay na ito. Sa mga ito, nakasaayos at ipinapakita ang mga komento ayon sa paksa at tema. Makakatulong sa iyo ang tool na ito na tuklasin ang sinabi ng komunidad at makakita ng mga pattern sa feedback.

Idinisenyo namin ang pagsusuri at mga visual sa ibaba para matulungan ka na:

  • Makita ang lahat ng perspektibo ng komunidad tungkol sa mga priyoridad sa pagbangon
  • Maunawaan kung paano nagsasama-sama sa mga pangunahing isyu ang iba't ibang pananaw
  • Malaman ang hirap ng mga pagsubok na nararanasan ng mga komunidad na apektado ng sunog
  • Makapaghanda para sa mga paparating na talakayan sa komunidad

Tandaan: Ang impormasyong nasa page na ito ay hindi nagbibigay ng mga pinal na sagot o solusyon. Sa halip, ipinapakita rito ang mga tanong at kapalit na kailangan nating maunawaan nang sama-sama. Sa yugto ng deliberasyon, hahanapin namin ang pinakamainam na paraan para umusad. Uunawain ng mga miyembro ng komunidad ang mga kumplikadong isyu na ito nang may konsiderasyon.

Iimbitahan namin ang mga residente ng California para matulungan kami rito. Mag-sign up para manatiling may alam.

Paano bibigyang-kahulugan ang mga chart na ito

Sa bawat chart, ipinapakita ang mga komentong ginawa tungkol sa isang paksa.

  • Ang bawat tuldok ay kumakatawan sa isang komento.
  • Ang mga tuldok ay color-coded, kung saan ang bawat kulay ay kumakatawan sa isang grupo na lumabas sa mga komento.
  • Gumamit kami ng AI para tukuyin ang mga tema. Ang mga komento na natukoy bilang magkatulad ay lumalabas nang mas malapit sa bawat isa sa chart.

Mga data visualization