Abiso tungkol sa privacy kaugnay ng mga pangongolekta

Nagkaroon ng bisa noong Marso 14, 2025

Huling nirebisa noong Marso 20, 2025

Layunin

Ipinapaliwanag sa abiso tungkol sa privacy na ito kung paano kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ng Opisina ng Data at Inobasyon ng California (California Office of Data and Innovation, ODI) ang iyong impormasyon kapag bumibisita at nakikipag-ugnayan ka sa website ng Engaged California. Nangangako kaming poprotektahan ang iyong privacy at tinitiyak namin ang pagiging kumpidensyal ng personal na impormasyon mo.

Iniaatas ng Batas sa Mga Kagawian sa Impormasyon sa Seksyon 1798.17 ng Kodigo Sibil ng California sa mga ahensya ng estado na magbigay ng abiso tungkol sa pangongolekta kapag nangongolekta ng personal na impormasyon at kapag napapailalim ito sa mga limitasyon sa Batas sa Mga Kagawian sa Impormasyon at patakaran ng estado. Nililimitahan ng ODI ang pangongolekta ng personal na impormasyon. Pinag-iingatan namin ang privacy ng personal na impormasyon na kinokolekta o hawak namin. Karagdagan sa aming patakaran sa privacy ang abisong ito.

Awtoridad

Nangangako ang ODI na poprotektahan ang privacy ng iyong impormasyon. Ang aming mga kagawian sa pamamahala ng impormasyon ay naaayon sa mga ipinag-aatas ng:

Bakit kinokolekta ng ODI ang iyong impormasyon

Impormasyon na awtomatikong kinokolekta

Kapag binibisita mo ang aming website, posible kaming awtomatikong mangolekta ng ilang partikular na impormasyon, gaya ng iyong Internet Protocol (IP) address, uri ng browser, operating system, at mga page na binisita. Ginagamit ang impormasyong ito para sa pangangasiwa ng website, pag-troubleshoot, at pagpapaganda sa karanasan ng user.

Impormasyong Nagbibigay ng Personal na Pagkakakilanlan (Personally Identifiable Information, PII)

Maaari lang kaming mangolekta ng PII (halimbawa, pangalan, address, email, numero ng telepono) kapag boluntaryo mo itong ibibigay sa amin sa pamamagitan ng mga form, kahilingan para makaugnayan, o iba pang paraan.

Mga personal na identifier

Paglalarawan: Maaari lang kaming mangolekta ng PII (halimbawa, email address, pangalan/username, password, lahi, etnisidad, zipcode, at iba pang pangkalahatang demograpikong katangian) kapag boluntaryong ibinigay sa amin sa pamamagitan ng mga form, kahilingan para makaugnayan, survey, o iba pang paraan.

Layunin ng pangongolekta: Magbigay ng mga serbisyo na kinabibilangan ng komunikasyon, pagkumpleto ng survey, aming mga serbisyo; pananaliksik at pagpapaunlad; pagtiyak sa kalidad; seguridad/panloloko at para makasunod sa aming mga legal na obligasyon.

Impormasyon sa internet o online na impormasyon

Paglalarawan: IP address, uri ng browser, operating system, at mga page na binisita. Cookies at mga katulad na teknolohiya.

Layunin ng pangongolekta: Ginagamit ang impormasyong ito para sa pangangasiwa ng website, pag-troubleshoot, at para mapaganda ang karanasan ng user, naka-personalize na content at trapiko sa website.

Boluntaryo ang pangongolekta ng iyong personal na impormasyon. Mayroon kang karapatang limitahan ang pagbubunyag at hindi magbigay ng personal na impormasyon kapag hindi ito hinihiling.

Ang mga kahihinatnan ng hindi pagbibigay ng iyong personal na impormasyon ay maaaring makaapekto sa kakayahan mong makatanggap ng mga serbisyo at hinaharap na engagement sa website ng Engaged California.

Impormasyon mula sa mga third party

Maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga third party, gaya ng mga social media platform, kung pipiliin mong makipag-interaksyon sa aming website sa pamamagitan ng mga platform na iyon, maaari naming gamitin ang iyong impormasyon para:

Magbigay ng mga serbisyo

Maaari naming gamitin ang iyong impormasyon para maibigay sa iyo ang mga serbisyo at impormasyong hinihiling mo, gaya ng pagtugon sa mga tanong, pagpoproseso ng mga aplikasyon, at paghahatid ng content.

Mapahusay ang aming website

Ginagamit namin ang nakolektang data para suriin ang trapiko sa website, tukuyin ang mga aspetong mapapahusay, at i-personalize ang iyong karanasan.

Makasunod sa mga legal na obligasyon

Maaari naming gamitin ang iyong impormasyon para makasunod sa mga ipinag-aatas ng batas, gaya ng pagtugon sa mga subpoena o kautusan ng hukuman.

Makipag-ugnayan sa iyo

Maaari naming gamitin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan para magpadala sa iyo ng mga update, newsletter, o iba pang impormasyon na nauugnay sa aming mga serbisyo.

Paano namin ibinabahagi ang iyong impormasyon

Sa iba pang ahensya ng gobyerno

Ang iyong impormasyon ay maaari naming ibahagi sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa mga lehitimong layunin, gaya ng pagkokoordina ng mga serbisyo sa pederal na gobyerno o tagapagpatupad ng batas ayon sa iniaatas ng batas alinsunod sa Seksyon 1798.24 ng Kodigo Sibil ng California.

Sa mga third-party na provider ng serbisyo

Ang iyong impormasyon ay maaari naming ibahagi sa mga third party na provider ng serbisyo na tumutulong sa aming patakbuhin ang aming website, gaya ng mga hosting provider o mga tool sa analytics. Ibabahagi lang namin sa mga third party ang iyong impormasyon nang may malinaw na pahintulot mo, maliban na lang kung hindi ito ipinag-aatas ng batas.

Ang iyong mga karapatan

Kabilang sa iyong mga karapatan sa personal na impormasyon ang:

  • Pag-access: Mayroon kang karapatang i-access ang personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo.
  • Pagwawasto: Mayroon kang karapatang humiling ng mga pagwawasto sa mali o hindi kumpletong impormasyon.
  • Pag-opt out: Mayroon kang karapatang tumutol at mag-opt out sa pagpoproseso ng iyong impormasyon sa ilang partikular na sitwasyon.
  • Pag-delete: Mayroon kang karapatang hilinging i-delete namin ang iyong personal na impormasyon.

Pagbubunyag sa publiko

Tinitiyak ng mga batas sa California na bukas ang gobyerno at puwedeng i-access ng publiko ang mga naaangkop na record at impormasyon ng estado. Ang mga batas ng estado at pederal ay nagbibigay ng mga eksepsyon sa karapatan ng publiko na mag-access ng mga pampublikong record. Ang mga eksepsyon na ito ay para sa iba't ibang pangangailangan kabilang ang pagpapanatili sa privacy ng mga indibidwal. Ang impormasyong nagbibigay ng personal na impormasyon na kinolekta sa elektronikong paraan ay hindi kasama sa pagbubunyag kapag hiniling sa ilalim ng Batas sa Mga Pampublikong Record ng California.

Ang anumang alam o inaasahang pagbubunyag ay maaaring isagawa sa iyong impormasyon, kabilang ang mga pagbubunyag sa iba pang ahensya ng estado, pederal na gobyerno, o tagapagpatupad ng batas, at ang mga pagbubunyag ng iyong impormasyon ay maaaring isagawa alinsunod sa subdivision (e) o (f) ng Seksyon 1798.24 ng Kodigo Sibil ng California.

Ang anumang impormasyong makukuha namin, kabilang ang impormasyong nakolekta sa aming website, ay maaaring i-release kung hihilingin ayon sa nakasaad sa Batas sa Mga Kagawian sa Impormasyon ng 1977 (tingnan ang Seksyon 1798 ng Kodigo Sibil ng California).

Pagprotekta sa iyong privacy

Makakatulong kang maprotektahan ang iyong pribadong impormasyon. Tiyaking regular na i-update ang iyong browser at operating system. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano mo mapoprotektahan ang iyong privacy, bisitahin ang California Department of Justice. Para sa mga tip tungkol sa pag-secure sa iyong computer, mag-click sa link ng Office of the California Attorney General sa ibaba:

Babala: Secure ba ang Computer Mo?

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming abiso tungkol sa privacy kaugnay ng pangongolekta, makipag-ugnayan sa aming Punong Opisyal sa Privacy.

Office of Data and Innovation
Attn: Chief Privacy Officer
401 I Street, Suite 200
Sacramento, CA 95814
Email: privacy@innovation.ca.gov
Telepono: 916-234-3480