Patakaran sa pagkapribado

Ang website na ito ay isinulat ng Tanggapan ng Datos at Inobasyon (Office of Data and Innovation).

Epektibo noong Setyembre 15, 2024

Ang Tanggapan ng Datos at Inobasyon (Office of Data and Innovation o ODI) ay nakatuon sa pagprotekta sa pagkapribado ng iyong impormasyon. Ang aming mga kasanayan sa pamamahala ng impormasyon ay umaayon sa mga kinakailangan ng:

Nililimitahan ng ODI ang pangongolekta ng personal na impormasyon. Pinoprotektahan namin ang pagkapribado ng personal na impormasyon na kinokolekta o pinapanatili namin.

Nalalapat lang ang patakaran sa pagkapribado na ito sa ODI. Maaari naming baguhin ang aming patakaran sa pagkapribado. Kapag ginawa ang mga pagbabago, agad naming ipapaskil ang mga pagbabagong iyon at ipapatupad ang mga ito 30 araw mula sa petsa ng pagpapaskil na iyon.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa paggamit ng website na ito, basahin ang aming mga kondisyon ng paggamit.

Isang paalala sa mga magulang

Ang mga menor de edad (mga taong wala pang 18 taong gulang) ay hindi maaaring gumamit ng mga serbisyo sa kanilang sarili na nangangailangan sa kanila na magsumite ng personal na impormasyon. Magagamit lamang ng mga menor de edad ang mga ganitong uri ng serbisyo kasama ng kanilang mga magulang o tagapag-alaga.

Kung ang ODI ay magsisimulang mangolekta ng personal na impormasyon mula sa mga menor de edad, kami ay:

  • Ipaaalam sa mga magulang na ito ay hinihiling
  • Ibibigay ang mga dahilan ng pagkolekta nito
  • Sasabihin kung paano namin ito gagamitin

Hihingi ng pahintulot ng magulang ang ODI bago mangolekta ng anumang impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan mula sa mga menor de edad. Kung kukunin namin ito, ang mga magulang ay maaaring:

  • Humiling ng impormasyon sa uri ng datos na nakolekta
  • Tingnan ang impormasyon ng kanilang menor de edad
  • Humiling ng ODI tanggalin at huwag gumamit ng karagdagang impormasyon ng kanilang anak

Ang ODI ay hindi kailanman magbibigay ng personal na impormasyon tungkol sa mga menor de edad sa mga ikatlong partido.

Personal na impormasyon

Ang personal na impormasyon ay impormasyong kinokolekta namin, kabilang ang sa pamamagitan ng website na ito, na nagpapakilala o naglalarawan sa isang tao. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa:

  • Pangalan
  • Numero ng Social Security
  • Pisikal na paglalarawan
  • Address ng bahay
  • Numero ng telepono sa bahay
  • Edukasyon
  • Mga usapin sa pananalapi
  • Kasaysayan ng medikal
  • Kasaysayan ng trabaho
  • Password
  • Email address
  • Impormasyon na nagpapakita ng anumang lokasyon o pagkakakilanlan ng network

Paano kinokolekta at ginagamit ng ODI ang iyong impormasyon

Nangongolekta lamang ang ODI ng personal na impormasyon kung kailangan namin ito upang makipag-ugnayan sa iyo. Halimbawa, maaaring kailanganin ng ODI na malaman ang iyong address ng tahanan, email address, o numero ng telepono upang masagot ang mga tanong o magbigay ng impormasyong hinihiling mo.

Ang pagbibigay ng impormasyong ito at paggamit ng aming mga serbisyo ay boluntaryo. Ang pagpili na huwag gamitin ang aming mga serbisyo ay hindi makakaapekto sa iyong kakayahang gumamit ng iba pang mga tampok ng website.

Kung mangolekta kami ng personal na impormasyon mula sa iyo para sa mga dahilan maliban sa komunikasyon, sasabihin sa iyo ng ODI kung kailan o bago namin ito kolektahin at:

  • Paano namin ito magagamit
  • Para saan namin ito magagamit
  • Ang aming awtoridad na kolektahin ito
  • Paano namin pinoprotektahan ang iyong impormasyon
  • Kung ibabahagi ang iyong impormasyon sa iba
  • Ang iyong mga karapatan na i-access, suriin, at itama ang iyong personal na impormasyon
  • Ang iyong mga karapatan na tanggalin ang iyong personal na impormasyon kapag hiniling

Gagamitin lamang ang iyong personal na impormasyon para sa layuning ibinigay mo ito. Ang paggamit ng iyong personal na impormasyon at data ay limitado sa at naaayon sa layuning ibinigay sa pangongolekta. Ang ODI ay hindi magbabahagi o magbebenta ng elektronikong nakolektang personal na impormasyon tungkol sa iyo sa isang ikatlong partido nang wala ang iyong nakasulat na pahintulot. Maaari kaming magbigay o mamahagi ng ilang partikular na listahan at istatistikal na ulat ng impormasyong pangregulasyon ayon sa itinakda ng batas. Kung gagawin namin, lahat ng nauugnay na legal na proteksyon ay nalalapat pa rin sa iyong impormasyon.

May karapatan kang itama o tanggalin ang iyong personal na impormasyon, nang walang muling paggamit o pamamahagi. Makipag-ugnayan sa aming Opisyal sa Pagkapribado upang matanggal ang iyong personal na impormasyon.

Paano pinoprotektahan ng ODI ang iyong impormasyon

Ang ODI, bilang tagabuo at tagapamahala ng website na ito, ay gumawa ng mga hakbang upang pangalagaan ang integridad ng imprastraktura ng website para sa kaligtasan ng aming mga bisita. Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa:

  • Nililimitahan ang aming pagkolekta ng datos
  • Pagsubaybay para sa pagkakaroon ng mapagkukunan at mga panganib sa seguridad, kabilang ang mga hindi awtorisadong pagtatangka na mag-upload o magbago ng impormasyon
  • Pag-audit para sa mga kahinaan sa seguridad at pagganap at pagbutihin ang site
  • Pag-enkript
  • Pagsasama ng mga hakbang sa seguridad

Kumpidensyal na impormasyon

Ginagawa namin ang bawat pagtatangka na hindi mangolekta ng kumpidensyal na impormasyon. Gayunpaman, ang ilang impormasyong ibibigay mo ay maaaring ituring na kumpidensyal. Ang kumpidensyal na impormasyon ay impormasyon na:

  • Hindi kinakailangang ibunyag sa ilalim ng Batas ng Pampublikong mga Rekord (Public Records Act);
  • Pinoprotektahan mula sa pagbubunyag ng batas; o,
  • Ay o maaaring makatwirang magkaroon ng epekto sa anumang pamumuhunan sa pananalapi o interesado sa mga kabayahan or lupaing ari-arian (real property)

Kasama sa kumpidensyal na impormasyon, ngunit hindi limitado sa:

  • Mga numero ng Social Security
  • Impormasyong medikal
  • Datos sa pananalapi o trabaho

Ang kumpidensyal na impormasyon ay protektado. Ibubunyag lamang ito bilang bahagi ng isang legal na proseso o ayon sa hinihingi ng batas.

Ano ang awtomatiko naming kinokolekta

Kapag magbasa-basa ka (mag-browse) sa aming website, kasama ang pag-download ng impormasyon, awtomatiko naming kinokolekta at iniimbak ang:

  • Ang uri ng browser at operating system na iyong ginamit
  • Ang petsa at oras na binisita mo ang website na ito
  • Ang mga webpage o serbisyong na-access mo sa website na ito
  • Kung dumating ka sa website na ito mula sa isang link, ang website na binisita mo bago pumunta sa website na ito
  • Impormasyon tungkol sa kung anong mga file ang na-download mo

Ginagamit namin ang impormasyong ito upang maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang aming mga serbisyo. Ang impormasyong ito ay hindi nagpapakilala sa iyo nang personal. Ginagamit lamang ito upang mapabuti ang aming mga serbisyo at ang karanasan ng gumagamit ng website. Maaari mong harangan ang koleksyon ng ilan sa impormasyong ito sa pamamagitan ng mga browser at plugin.

Pagsubaybay

Sinusubaybayan lang ng ODI ang iyong aktibidad kapag pinahusay nito ang iyong karanasan sa serbisyo. Maaari naming gawin ito sa pamamagitan ng cookies o lokal na imbakan ng sesyon. Ang mga pamamaraang ito ay hindi nangongolekta ng personal na impormasyon o nakompromiso ang iyong pagkapribado o seguridad. Pana-panahon naming sinusuri ang mga paraan ng pagsubaybay namin sa mga bisita at pagtanggal ng mga hindi kinakailangang tagasubaybay.

Mga serbisyo ng mga Analitiko (Analytics)

Gumagamit ang ODI ng mga serbisyo sa labas ng mga analitiko (analytics) upang makatulong na mapabuti ang aming website. Ang mga kagamitan na ito upang subaybayan at sukatin ang aktibidad sa aming website.

Gumagamit lang kami ng mga serbisyo ng mga analitika (analytics) na nag-aalis ng mga detalye ng pagkakakilanlan mula sa iyong impormasyon. Ang aming mga analitika (analytics) ay hindi nag-iimbak ng impormasyong nagpapakilala sa iyo o sa iyong aparato.

Maaaring subaybayan ka ng aming mga serbisyo sa labas ng mga analitika (analytics). Maaari mong harangan sila sa pagsubaybay sa iyo sa pamamagitan ng mga ekstensyon (extension) o plugin ng browser na nakatuon sa pagkapribado. Hindi ito makakaapekto sa iyong kakayahang gamitin ang website na ito.

Mga survey

Kung kukuha ka ng survey sa website ng ODI na ito, mangongolekta kami ng impormasyon mula sa iyong mga tugon. Maaaring kabilang dito ang text, audio, video, at mga larawang pipiliin mong i-upload.

Pampublikong pagbubunyag

Tinitiyak ng mga batas sa California na bukas ang pamahalaan at maa-access ng publiko ang naaangkop na mga talaan at impormasyon ng estado. Ang mga batas ng estado at pederal ay nagbibigay ng mga pagbubukod sa karapatan ng publiko na ma-access ang mga pampublikong rekord. Ang mga pagbubukod na ito ay nagsisilbi sa iba't ibang pangangailangan kabilang ang pagpapanatili ng pagkapribado ng mga indibidwal.

Ang lahat ng impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng website na ito ay pampublikong tala. Ito ay maaaring sumailalim sa inspeksyon at pagkopya ng publiko, maliban kung may eksempsyon sa batas. Ang personal na impormasyon na kinokolekta ng elektroniko at impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan ay hindi kasama sa mga kahilingang ginawa sa ilalim ng Batas ng mga Pampublikong mga Rekord (Public Records Act).

Kung may salungatan sa pagitan ng patakarang ito at ng Pampublikong mga Rekord (Public Records Act), ang Batas ng mga Kasanayan sa Impormasyon (Information Practices Act), o iba pang batas na namamahala sa pagbubunyag ng mga rekord, ang Pampublikong mga Rekord (Public Records Act), ang atas ng mga Kasanayan sa Impormasyon (Information Practices Act), o iba pang naaangkop na batas ang magkokontrol.

Kontak sa pagkapribado

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aming patakaran sa pagkapribado, makipag-ugnayan sa aming Punong Opisyal ng Pagkapribado (Chief Privacy Officer) sa privacy@innovation.ca.gov.

Office of Data and Innovation
Attn: Chief Privacy Officer
401 I Street
Ste 200
Sacramento, CA 95814
Telepono: 916-234-3480